Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

09/27/17 – karapatan sa naiwang lupa ng lola mo

Katanungan:

May lote po na iwan ang grandparents ko. Walang naiwan last will and statement. Ngayon patay na rin lahat ng anak at mga asawa nila bukod sa nanay ko na asawa ng isa sa mga anak. Sino po ngayon ang may karapatan sa lote… Ang nanay ko na buhay pa or yun mga anak ng mga namatay na.

Kasagutan: (Suhestiyon lamang; kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan ang magmamana ng mga lupa na naiwan ay ang mga tinatawag na compulsory heirs ng iyong lolo at lola, at ito ay ang kanyang mga anak. Ang succesional rights ay nagbubukas kapag namatay na ang decedent at kapag na pre-deceased ng kanyang mga anak ang decedent, ang mana ay mapupunta sa kanila. Kung sakaling namatay na ang iyong ama, mapupunta sa inyo ang portion ng mana niya na galing sa kanyang mga magulang. Ang iba naman ay mapupunta din sa ibang mga anak ng iyong grandparents.