Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

09/26/17 – karapatan sa iyong tirahan kapag ikaw ay pinayagang gumawa ng tirahan

Katanungan:

Taong 1990 po, ay ginawang caretaker ng bahat at lupa ng tiyahin ko ang Papa ko.. Taong 1997 nagdecide ang tiyahin ko na magpatayo ng bahay sa tabi ng tinitirhan namin para doon na tumira. September 1997, namatay po ang Papa ko. Simula po noon hanggang sa kasalukuyan, nakatira pa rin po kami sa bahay kung saan naging caretaker ang Papa ko. September 2017, 20 years po makaraang mamatay si Papa, nagdecide po ang tiyahin ko na ibenta ang lupa, at binigyan nya po kami ng 2 buwan para maghanap ng malilipatan. Itatanong ko lang po, kung pwede po bang paalisin nya na lang kami ng ganoon?
Maraming salamat po..

Kasagutan:

Kabayan ang iyong pag-stay sa lupa ng iyong tiyahin ay mere tolerance lamang. Ibig sabihin nito ay pinapayagan kayong tumira sa kanilang lupa hanggang ito ay gusto nila o hanggang magkaroon ng isang pangyayari na maililipat na ang ownership ng lupa gaya ng sale. Kaya kahit gaano pa katagal ang pag-stay niyo dito ay wala kayong magiging karapatan sa bahay niyo sa kanilang lupa dahil ang pagtira niyo dito ay mere tolerance lamang ng iyong tiyahin.