Katanungan:
Intra company po kami dito sa Japan pinadala kami ng offce Philippines here in Japan , Ask ko lang po kung me benepisyo po ba kami sa OWWA or any agency related to OFW?
Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)
Kabayan, marami ang mga benepisyo kapag ikaw ay isang miyembro ng OWWA. Maaari kang maging member ng OWWA kapag ikaw ay nagbayad ng $25 membership contribution.
Ang mga sumusunod ay ang mga benepisyong maaring makuha kapay ikaw ay miyembro ng OWWA:
a. Medical, Disability and death benefits
b. Education and training benefits
c. Seafarers’ comprehensive education and training programs
d. Workers assistance and on-site services
e. Social and Family welfare assistance
Para mas malinawan pa kabayan, maari mong tignan ang OFW resources at hanapin ang topic na OWWA membership benefits. Ito ang kumpletong listahan ng mga benepisyo ng isang owwa member. Maraming salamat kabayan!