Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

08/02/17 – Maari bang ipa-renta sa iba ang room o bahay na iyong inuupahan?

Katanungan: 

Ako po ang nangungupahan ng isang bahay na may 3 bed rooms. Ako po ang gumagamit sa isang room. Maaari ko po bang ipa-renta sa iba ung dalawang kwarto? baka po kasi magalit ung may-ari kapag nalaman nyang marami ng nakatira sa unit ko.

Kasagutan:

Nakasaad sa ating batas ang sumusunod:

Article 1650 of the New Civil Code provides that when in the contract of lease of things there is no express prohibition, the lessee may sublet the thing leased, in whole or in part, without prejudice to his responsibility for the performance of the contract toward the lessor.

Kapag walang nakasaad sa inyong kontrata na nagbabawal na ipa sublease mo ang unit, ikaw ay pinapayagan ng ating batas na ipa-renta ito.  Basta panatilihin lamang ang obligasyon na pangalagaan ang unit dahil ikaw pa rin ang obligado bilang lessee.