Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

08/04/17 – Ano ang kasong maaring isampa kapag ikinalat sa internet ang iyong picture na maselan

Inquiry:

Good day attorney, sana po matulungan nyo ako. Ano po ang gagawin ko dahil may ex boyfriend po ako na gusto makipagbalikan pero hindi ako nakipagbalikan, kaya’t ipinakalat nya ang picture kong malaswa, at siniraan pa ko sa facebook gamit ang facebook ni mama dahil na-hack nya ang facebook ni mama. Ano po ang gagawin ko para masampahan ko sya ng kaso, ano po ang proseso? Thanks po and god bless.

Kasagutan:

Maaari mo siyang sampahan ng paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Isa sa prohibited acts ng batas na ito ang pagpapakalat sa papel, broadcast media (gaya ng facebook), VCD/DVD, internet cellular phones o iba pang paraan.

Ito ay labag sa batas at wala kang consent para ikalat ang iyong mga natural larawan. at kahit na ang pagkuha nyo ng larawan ay ayon sa kagustuhan noong kayo pa, ang pagpapakalat pa rin nito ay saklaw ng ating batas. (Section 4[d] of RA 9995)

Ano ang penalty para sa paglabag dito?

The penalty of imprisonment of not less that three (3) years but not more than seven (7) years and a fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000.00) but not more than Five hundred thousand pesos (P500,000.00), or both, at the discretion of the court shall be imposed upon any person found guilty of violating Section 4 of this Act.

Maari kang magpunta s otoridad upang magsampa ng kaukulang reklamo at upang mapigil ang paglaganap ng iyong larawan sa internet.