Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

07/19/17 – Kelan nagiging perpekto ang isang kontrata?

 

Katanungan:

Hi Attorney! Ang tanong ko po ay tungkol sa isang deal po na pinasok namin nang father ko. Ito po ay isang verbal deal sa pagitan namin nang taga gawa nang sala set. Ni refer po ito sa amin nang aking bayaw kaya pinagkatiwalaan po namin ang tao na ito at ang pangalan po niya ay si gospel. Ang usapan namin ay magpagawa nang isang sala set na 10,000 pesos ang price at kasama ipapalit ang lumang sala set namin. Nangyari mo ang deal noong Marso 2017. Bago kami mag deal humingi mo sya nang 7,000 down payment agad. Tinawaran ko muna sa 5,000 pra fare naman at nag ka sundo ba kami. Sabi nya 2 weeks ma tatapos na niya kaso pagkalipas nang 2weeks wla pa rin na deliver kasi daw busy pa. Inuna pa daw nya ang pina gawa nang bayaw

Kasagutan: Suhestiyon lamang (Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, kahit verbal ang inyong kasunduan, meron ng perfected contract dito. Nakasaad sa ating batas:

Article 1305: A contract is a meeting of the minds between two persons whereby one binds himself, with respect to the other, to give something or to render some service.

In general, contracts are perfected from the moment that there is a manifestation of the concurrence between the offer and the acceptance with respect to the object and the cause which shall constitute the contract.

Kahit na verbal at walang kasulatan, ang inyong kontrata ay naperfect na dahil mayroon na kayong kasunduan na ikaw ay magbabayad ng 10k at siya naman ay gagawa ng sala set. Mas mainam na kausapin mo siyang mabuti lalo at ikaw ay nakapag-down na para matapos at maideliver agad ang inyong sala set.