Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

04/21/17 – Karapatan mo bang makakuha ng Certificate of Employment sa iyong employer?

Atty. Magandang araw! Nais ko sanang itanong kung my right po ba kaming mga empleyado maka kuha ng COE kapag mag immidiate resign kami? Sana masagot nyo pa ang aming concern.Salamat po mg marami.

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, karapatan mong mabigyan ang Certificate of Employment (COE) kahit ikaw ay biglaang nag-resign. Obligasyon ng kumpanya na mag-issue ng COE sa kanilang mga empleyado. Nakasaad sa ating batas na ang mga manggagawa na nag-resign o naalis sa trabaho ay may karapatan na makakuha ng COE.

Section 10, Rule 14, Book 5 of the Labor Code states that a dismissed worker shall be entitled to receive, on request, a certificate from his/her employer specifying the dates of his/her engagement and termination and the type or types of work on which he/she was employed.