Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

04/19/2017 – Ang rules and regulations ay dapat ipaalam sa oras ng pagpirma ng kontrata

Good morning atty.
tanong ko lang po karapatan ba ng manggagawa na mag karoon ng kopya ng rules and regulation ng company, at kung hindi po nabigyan ang empleyado me kasalanan ba employer dun ? me nilabag ba na batas ang employer ? wala po kasi kaming orientation nung na hire kami

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)
Kabayan, karapatan mong malaman sa oras ng pagpirma mo ng kontrata o sa oras na ikaw ay maarkila ang mga alituntunin o rules or regulations ng kumpanya na iyong papasukan. Obligasyon ng employer na ipaalam sayo ang nga rules and regulations ng company sa unang araw ng pagsisimula mo sa trabaho.

Mayroon din tayong tinatawag na implied knowledge, ito ay isang prinsipyo kung saan kahit hindi sayo pinaalam ang mga rules and regulations ng kumpanya ng ikaw ay pumirma ng kontrata o kaya hindi ka nabigyan ng kopya at ikaw ay nanatili sa trabaho ng matagal na panahon,ito ay isang presumption na alam mo ang mga rules at regulations na pinapalakad ng company.