Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

02/02/17 – Katanungan kung may fees bang babayaran in case of a petition filed with the consul general for a change of name

Gusto po naming mag-asawa na magtungo sa Spanish Embassy para humingi po ng tulong na mapalitan ang aking pangalan dahil sa typographical error po sa aking birth certificate sa civil registrar. May fee po ba na sisingilin sa prosesong ito? Salamat po.

 

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Oo kabayan, may babayaran kang fees para sa nasabing petition ngunit ito ay minimal lamang. Nakasaad sa batas na ang consul general ay otorisadong mangolekta ng reasonable fees bilang kondisyong sa pagtanggap ng petition.