9 years na po ako dito sa Middle East at wala na akong contact sa asawa ko ng higit limang taon. Ngayon ay may partner po ako dito at gusto namin magpakasal. Wala na bang bisa ang kasal namin ng dati kong asawa dahil wala na po kaming contact sa isat isa?
Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)
Kabayan, ang validity ng marriage ay lifetime. Wala sa ating batas na nagsasaad na mapapawalang bisa ang inyong kasal kapag kayo ay matagal na hindi nagkita o kapag kayo ay wala ng komunikasyon. Isa ito sa mga kontratang prino-protektahan ng ating batas. Tanging ang Korte lamang ang makakapag-pawalang bisa sa isang kasal sa pamamagitang ng Declaration of Nullity of a Void Marriage o Annulment of a Voidable Marriage. Ito ang mga petisyon na maaari mong i-file sa korte para mapawalang bisa ang inyong kasal.