Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

01-19-17 Katanungan tungkol paglilipat ng lupa from agricultural to residential

May naiwan po kaming lupa sa Batangas, nasa .300 Hectares po ang lawak nito. Nabili ko po ito 10 years ago at isa po ito sa mga pinaglagakan ko ng ipon ko. Agricultural land palang po ito ng nakuha ko at balak ko po sanang ipalipat na into residential dahil marami ng mga bahay na nakatayo sa kalapit ng lupa ko. Ano po ba ang proseso para sa paglilipat ng lupa from agricultural into residential?

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Kabayan narito ang proseso upang malipat sa residential ang iyong lupa:

  1. Magpunta sa Assessor’s Office at tanungin kung magkano ang babayaran sa paglilipat ng lupa to residential.
  2. Kakailangin din ng Sanggunian Bayan ordinance dahil sila ang may kapangyarihan magre-classify ng lupa. Ngunit bago magpasa ng ordinansa ang Sanggunian,  kakailanganin muna nilang i-secure ang mga sumusunod:

a. Certification mula sa DA (Department of Agriculture na nagsasabing:

  • lahat ng total area ng mga agricultural lands sa nabanggit na bayan;
  • na ang lupang ico-convert to residential ay hindi naka-classify na non-negotiable para sa conversion o reclassification;
  • na ang nasabing lupa ay hindi na economically feasible for agricultural purposes.

b. Certification galing sa DAR (Department of Agrarian Reform) na nagsasabing ang nabanggit na lupa ay hindi dinistribute o hindi covered ng notice of coverage o hindi voluntarily offered for coverage under CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program)

3. Ang ordinansang ipinasa ng Sangunian na nagrere-classify ng lupa from agricultural to residential ay saklaw sa pagre-review ng probinsya kung ang bayan  na nagpasa ng ordinansa ay component city or municipality, at HLRB (Housing and Land Regulatory Board) naman kung ang bayan na nagpasa ng ordinansa ay highly urbanizable o independent component city.