Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

01/16/17 – Katanungan kung sino ang may parental authority sa common child

May kalive-in po ako noon 2013 at kami ay nagkaroon ng baby. Ngayon po ay nandito ako sa Taiwan bilang domestic helper at nasa mga magulang ko po ang bata. Ako nalang po ang tumutustos sa mga pangangailangan ng anak ko at ang tatay niya ay wala naman pong binibigay. May parental authority po ba siya sa aking anak kahit na nasa akin ang bata?

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Kabayan nakasaad sa probisyon ng Family Code na ” The father and the mother shall jointly exercise parental authority over the persons of their commin children. In case of disagreement, the father’s decision shall prevail, unless there is a judicial order to the contrary. (Article 211, par. 1, FC.)

Bilang mga magulang, karapatan niyo at obligasyon niyo na pangalagaan ang inyong anak. Pinapangalagaa ng ating batas ang kapakanan ng bata  kahit siya pa man ay isinilang ng hindi kayo kasal. Ang parental authority ay natural right at duty ng mga magulang sa pagkatao at ari-arian ng inyong unemancipated na anak. Hindi basta inaalis ang parental authority sa isang magulang dahil ito ay mas pabor sa kapakanan ng bata. Hindi rin sapat na alisin ang parental authority dahil ang isang magulang ay walang trabaho.

Ang “emancipation” ay ang pagkaka-release  ng bata sa parental authority ng kanyang mga magulang at siya ay handa ng ng harapin ang mga responsibilidad ng buhay. Ibig sabihin nito ay mawawala na ang parental authority ng mga magulang sa kanilang anak.

Narito ang mga nagiging dahilan ng emancipation:

  1. By attainment of majority;
  2. By marriage of the minor;
  3. By recording in the Civil Register of an agreement in a public instrument executed by the parent exercising parental authority and the minor at least 18 years of age;
  4. By the recording in the Civil Register of an agreement in a public instrument executed  by the parent exercising parental authority and the orphaned minor at least 18 years of age but the agreement must be approved by the court before it is recorded.