Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

11/20/17 – OFW rights

Katanungan:

Gusto q lng pong itanong, anu po ba ang karapatan ng kapatid q bilang isang OFW? Dahil iba yung offer na sweldo nya xa contrata at iba nman ang binibigay ng amo nya..kinuha pa lahat ng gamit nya at itinago ng amo nya. gusto po niyang lumipat ng employer. kaya lng binabantaan po sya na kailangan nyang bayaran lahat ng gastos ng amo nya kng aalis sya..Anu po ba ang pwedi naming gawin?

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kung mayroon siyang principal employer dito sa Pilipinas maaari siyang mag-reklamo dito dahil dito na-execute ang kanilang kontrata tungkol sa sahod na kanyang matatanggap buwan-buwan. Kung wala siyang principal employer dito sa Pinas, maari siyang magtungo sa Philippine Embassy at ibigay ang detalye ng kanyang sinasapit ngayon sa kanyang employer para mabigyang tugon ito at hindi siya mas lalong maipit sa sitwasyon.