Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

11/17/17 – Small Claims

Katanungan:

attorney ,itatanong ko lang may utang kasi akong 5000 makakasuhan po ba ako?sa kapwa tao ko rin po  inutang.

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Maari kang makasuhan sa Small Claims law at ito ay summary. Kung merong promissory note, maaari niyang gamitin ito. Kung wala naman maaring sa basehan ng affidavit.

May malaking magkakaiba ang pagsasampa ng kaso sa pagpapanalo ng isang kaso. Kailangan niyang patunayan sa hukuman na may kasunduan kayong ibalik ang pera kung walang kasulatan sa iyong utang, kelan mo ito babayaran at saan.