Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

09/28/17 – Tama bang tourist visa ang gamitin mo kung ikaw ay may balak mag-trabaho sa ibang bansa?

Katanungan:

pinayuhan po ako ng mga kasamahan ko sa trabaho na mas mabilis po akong makaka-alis ng bansa kung tourist visa ang gagamitin ko at pag nandoon na po ako sa ibang bansa ay maghahanap nalang po ako ng trabaho. legal po ba ito? salamat po attorney.

Kasagutan:

Ang pag-alis sa bansa bilang isang turista at kalaunan ay may intensiyong mag trabaho sa ibang bansa bilang OFW ay illegal at ipinagbabawal. Ito ay isang paglabag sa ating batas dahil ang mga Pinoy na nag-nanais mag-trabaho sa ibang bansa ay dapat dumaan sa Philippine Overseas Employment Office (POEA) upang magkaroon ng record dito para malaman ng ating gobyerno ang mga bansang pupuntahan ng ating mga kababayan at para ma-protektahan ang karapatan ng mga OFW.