Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

09/28/17 – Katanungan kung ikaw pa ay tatanggap pa rin ng iyong sahod kahit ikaw ay naka-bakasyon sa Pilipinas?

Katanungan:

Tungkol po sa amo ko. I’m working as a dh here in hong kong. 2 contract ko na po eto attorney pero balak ko na po mag for good this Sept kaya lng po dpa ako nagpaalam sa amo ko netong katapusan po sana kaso magbabakasyon po sila tpos pauwiin po nila ako nang 15days pero hati po kmi sa pamasahe ko at wala.akong sahod half month pwede po ba.yun?ika 3 uwi ko na po.eto sa 2 contact kaya daw wala akong sahod kasi po ubos ko na daw annual leave ko..Ano po maganda Kong gawin attoryney?sana po matulungan nyo po.salamat po nang marami. Godbless

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, mas mainam na pakiusapan mo ng maayos ang mga amo. Kung magbibigay ako ng opinyon at dahil ubos na ang iyong annual leave na nagamit, siguro ay okay lang na wala kang sahod sa pag uwi mo dito sa pilipinas. Ang kadahilanang ito ay hindi mo na magagamit ang iyong annual leave sa iyong bakasyon. Maari mo din tignan ang iyong kontrata sa iyong amo para makita mo talaga kung ikaw ay dapat sumahod kahit ikaw ay naka-bakasyon dito sa Pilipinas. Maari ka din dumulog sa tanggapan ng Embahada para malaman mo ang mga batas na pinapatupad ng HK laws ukol sa mga manggagawa at kababayan natin sa Hongkong. Maraming salamat Kabayan!