Katanungan:
Attorney ang problema ko po ay mga bata n maiingay s amin Lugar, tanong bawal po b akong mg saway ng mga batang maiingay s harapan ng aming bahay dhil Hindi ko pag aarI ang kalsada,bawal ko din dw po silang sawayin dhil sila ay Hindi ko mga anak,kailangan po ba talagang maging pag aari ko muna ang kalsada bago ko sila sawayin..sA pagsaway ko po b sa mga bata n wag Mgla2ro sa amin harapan tinatanggalan ko po b cla ng karapatang Mgla2ro gayong ang gusto ko lng po ay bigyan nla ng oras ang kanilang pag tambay sa amin harapan,maraming salamat po sa inyong pag sagot attorney..napakahalaga po nito s akin ng sobra.
Kasagutan (Suhestiyon laamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)
Ang batas na masusunod ay Article 19 at Article 26 ng Civil Code.
Article 19. Every person must, in the exercise of his rights and in the perfomance of his duties, act with justice, give everyone his due, and observe honesty and good faith.
Article 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons.
Kabayan, lahat tao may karapatan, kagaya ng karapatang mag laro. Pero dapat hindi ito inaabuso to the extent na nagiging istorbo sa katahimikan ng isang kapitbahay. Dahil mga bata ang ito, the parents to whom such right may be invoke at walang batas na nag babawal suwayin ang mga bata, provided na hindi sila masasaktan dahil may batas taung RA. 7610 or Anti Child Abuse Law. Article 19 and 26 are under the human relations of the Civil Code. Ibig sabihin ang mga batas n mga ito ay karapatang pang tao at walang kinalaman ang pag mamay-ari sa kalsada. Maraming salamat Kabayan sa pagdulog mo sa aming website.