Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

05/24/17 – mababawi ba ang sasakyan mo kung sa ibang pamamaraan ka nagbayad ng iyong monthly amortization?

Katanungan:

May niloan akong van ang nagfinance ay inhouse financing matatapos na po ito sa sept.2017 ang problema po ung post dated checks ko na mula june to sept.2017 ay kelangan ko palitan eh ang problema close na ung bank account ko since march 2016 pa at direkta n ako naghuhulog sa bank acc.nila since march 2016 kung hnd ba ko mkagawa ng paraan para palitan ung 4 pcs na checke ay puwede nila hatakin sasakyan ko kahit nagbabayad naman ako thru direct sa bank acc.nila

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan ang batas na masusunod dito ay Article. 1232 at Art. 1234 ng Civil code.

Article 1232. Payment means not only the delivery of money but also the performance, in any other manner, of an obligation.

Art. 1234. If the obligation has been substantially performed in good faith, the obligor may recover as though there had been a strict and complete fulfillment, less damages suffered by the obligee.

Ang pag babayad mo sa bank account nila ay kinokonsidirang pagsunod sa obligasyon mo sa inyong kasunduan. Dahil walang protest or objection yung bangko sa pag papabayad mo sa account nila, mag aaply ang doctrine of estoppel, na ibig sabihin hindi nila pwedeng bawiin ung ni-loan mong sasakyan pagkatapos nilang tinanggap yung mga bayad mo, otherwise they can be sued for damages.