Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

04/07/2017 – Katanungan tungkol sa penalty na pinapataw ng lending company

Gudpm poh ask ko lng kng mgkkaroon poh ba ng kaso once ndi byaran ung penalty sa loan sa isang lending company? Tpos ko na poh byaran ung principal loan ko sa loob ng 11 months bigla nlng poh nla sbhin my penalty ak ngaun tntakot poh nla ak kasuhan pg dko poh un bnyaran.

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Kabayan ang maipapayo ko sa mga ganitong sitwasyon ay alamin mo kung magkano pa ang penalty na dapat mong bayaran. sulatan mo ang lending company kung meron ka mang mga late payments na siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng penalty, surcharge o interest. Hindi ka naman maaring kasuhan basta basta kung ikaw naman ay nagbayad sa tamang oras at walang bakas ng anumang fraud o panloloko. Kaya dapat alamin mo kung ano ang basehan ng penalty na kanilang sinisingil.