Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

04/04/17 – Katanungan na may kinalaman sa pagfa-file ng counter-affidavit sa kasong hindi ka kasangkot

May nag file po ng complaint ng isa ako sa respondents sa complaint-affidavit nandun pangalan ko. when in fact i was not there in the place of said incident. eto po ay simpleng sagutan/murahan ng mga workers sa construction.grave coercion/grave treat/ and unjust vexation daw .. ano po ang magandang gawin ko?pwd po b ako mag counter complaint kasi i was wrongfully charge.

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan kelangan mong mag-file ng iyong counter affidavit para sabihin sa formal na paraan na ikaw ay hindi sangkot at walang kinalaman sa inaakusang kaso laban sayo. Ito ang ganap na proseso na dapat mong gawin upang ma protektahan mo ang iyong karapatan at upang malinis mo ang iyong pangalan. Ang counter affidavit na ito ay iyong ipapasa sa prosecution na nakahawak ng kaso upang sa mabilis na panahon ay maalis ang iyong pangalan sa kaso.