Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

01/06/17 – Katanungan kung mananatili ba ang parental authority ng biological parents sa pinaampon nilang anak

Pinaampon ko po sa aking ate ang panganay kong anak dahil sila po ay nakaka-angat sa buhay noon. Ako naman po ay napapayag kaya pumayag ako at ang aking asawa sa pagpapa-ampon sa aking anak. Naayos po lahat ng legal papers para dito at kinuha nila ang aking anak sa abroad at doon napag-aral siya at lumaki. Ako naman po ay kumayod sa ibang bansa para maitaguyod ang iba ko pang anak. Gusto ko pong malaman kung may parental authority pa po ba ako sa anak naming panganay na inampon ng ate ko?

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Kabayan, nais kong malaman mo na wala ka nang parental authority sa panganay mong anak.

Nakasaad sa Article 189 ng Family ang mga epekto ng adoption, at ito ay ang mga sumusunod:

(1) For civil purposes, the adopted shall be deemed to be a legitimate child of the adopters and both shall acquire the reciprocal rights and obligations arising from the relationship of parent and child, including the right of the adopted to use the surname of the adopters;

(2) The parental authority of the parents by nature over the adopted shall terminate and be vested in the adopters, except that if the adopter is the spouse of the parent by nature of the adopted, parental authority over the adopted shall be exercised jointly by both spouses; and

(3) The adopted shall remain an intestate heir of his parents and other blood relatives.

Batay sa ating batas, ang parental authority ay malilipat na sa adopter/s (ang iyong ate at ang kanyang asawa kung meron) at ang bata ay icoconsider ng ating batas ng na siya ay legitimate na anak ng mga adoper/s. Ang apelyido rin po ng bata ay malilipat na sa apelyido ng nag-adopt sa kanya.