Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

01/09/17 – Katanungan kung alin ang mas mainam sa paglilipat ng lupa sa pangalan ng anak

  1. Nais po naming mag-asawa na i-mortgage sa bangko ang lupa naming sa Bulacan. Ngunit ang maglalakad po ng papeles para ditto ay ang panganay naming anak. Ngayon ang sabi po ng bangko ay mas madali ang proseso kung acquisition ang mangyayari o ang rason para sa loan ay ipapalabas na bibilhin ng anak ko ang lupa mula sa amin (acquisition of vacant/residential lot). Mas mainam po ba ang prosesong ito kesa sa donation? Salamat po Attorney!

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

Kung ipapalabas po sale ang mangyayari, may babayaran po tayong Capital Gains Tax na 6% of Selling Price (SP) or Fair Market Value (FMV), whichever is higher. Halimbawa po nito ay kung ang SP niyo ay nasa 1m at ang FMV naman ay 1.5m, ang basehan ng Capital Gains Tax na 6% ay kung alin sa dalaawa ang mas mataas at un ay ang FMV na 1.5m. Ang Capital Gains tax na babayaran ay nasa P90,000.00. May babayaran din ditto na Documentary Stamp Tax.

Kung sa Donation naman tayo, may babayaran kayong Donor’s tax at ito ay makikita sa Taxation Code (Section 99. Rate of Tax Payable by Donor). Gamitin nating halimbawa ang 1.5m na FMV, ang iyong Donor’s tax ay aabot sa P84,000.OO. May babayaran dn na Capital Gains Tax at mga bayarin sa paglilipat sa kanyang pangalan ng titulo.