Katanungan:
Attorney may natanggap po akong summons ito po sa small claims na nagkakahalaga sa 70k pesos. Kinaumagan po ay dineposito ko rin agad sa account ng nakautangan ko ang utang ko. Ano na po ang dapat kong gawin?
Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)
Ang dapat mong gawin kabayan ay sagutin ang complaint at may pro-forma naman bilang isang responsive pleading, maari mong ilagay dun sa iyong answer ang extinguishment of the obligation because of payment, i-attached mo ang resibo bilang pagpapa-tunay na ikaw ay nagbayad na.