Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

09/18/17 – may divorce ba sa Pilipinas

Katanungan:

 

May divorce po ba sa Pilipinas?

 

Kasagutan: 

Ipinagbabawal ng ating batas ang divorce dahil sa nationality rule. Pinapahalagaan ng ating Saligang Batas ang kahalagahan ng kasal sa mag-asawa. “Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.” (Section 2, Article 15 of the 1987 Philippine Constitution)

Dalawang paraan lamang ang kinikilala ng ating batas para mapawalang bisa ang isang kasal, ito ay ang mga sumusunod:

1. Petition for annulment of marriage; or
2. Petition for nullity of marriage.