Inquiry:
Pwede po bang ebloter ang panamampal sa akin ng isang barangay tanod.
Kasagutan:
Oo, kabayan maari mong ipa-blotter ang anumang insidente ng pananakit sayo. Ang police blotter ay isang talaan ng impormasyon ng mga insidente, sakuna, krimen na maaring maging basehan ng pagsampa ng kaso kung sakaling ikaw ay saktan muli ng isang tao. Maaring gamitin ito sa pagsasampa ng impormasyon kung sakaling ikaw ay magsasampa ng kaukulang kaso.
Maari mong idulog ang pananakit sa iyo ng isang barangay tanod sa mismong barangay kung saan siya nag-tratrabaho o di kaya ay sa pulisya upang siya ay agad maimbestigahan at kung bakit ka niya sinaktan at ano ang kanyang dahilan.