[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

06/29/17 – Maari bang ipawalang bisa ang kasal kapag nagkaroon ng anak sa labas ang iyong asawa?

Katanungan:

Attorney magandang araw po sa inyo.Pwde po ako mg file ng annulment sa asawa ko kasi 2008 snbhan nya ako na di nya ako mahal sma ngsma kami(2004)pntwad ko siya at ngloko 2010 may nabuntis syang babae pero pnalaglag ng babae Yong baby.Ngayon po diko na nakaya talaga nkialam na kasi pamilya nya sa away nmin mag asawa hanggang sa nbalik lahat galit ko sa mga ngwa nya skin.nawalan na kasi ako ng respeto at tiwala hanggang pagmamahal nawala na din.tulungan po ninyo ako kng anu ang dapat ko gawin maraming salamat po attorney.

Kasagutan : Suhestiyon lamang (Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, hindi sapat na ground o basehan na nakabuntis ang asawa mo para ma-annul o mapawalang bisa ang inyong kasal. Ang ground ng pagkakaroon ng isang anak sa ibang babae ay matatagpuan sa legal separation o ang ground na sexual infidelity. Ang legal separation ay isang proseso kung saan ang kasal ng mag-asawa ay hindi napapawalang bisa. Bed and board lamanang o hiwalay ng bahay at may mga limitasyon na ipapataw ang Korte.