Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

07/03/17 – Sino ay mas may karapatan sa lupang naiwan ng namatay, ang kanya bang mga anak o ang kanyang apo?

Katanungan:

Isinanla ng tatay yung kalahati ng lupa, namatay ito at may 5 naiwang mga anak, isa sa apo ang nagtubos sa halagang 48k, ngaun gusto na ng apo na angkinin ang nasabing lupa… May karapatan po ba ang mga anak ng tubusob ito sa kanilang pamangkin? Ano pong rate of interest ang legal na pwedeng gamitin? Nangyari po ang pagtubos noong 2009..

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, kayo pa rin ang may karapatan sa lupa naiwan ng inyong tatay dahil kayo ang tinatawag na compulsory heirs. Ang compulsory heirs sa direct line ay ang mga sumusunod:

a. Legitimate children and descendants with respect to their legitimate parents or ascendants;

b. Legitimate parents ot ascendants, with respect to their legitimate children and descendants;

c. Illegitimate children (Recognized)

d. The father or mother of illegitimate children

Note: The surviving spouse is not included.

Ang mga compulsory heirs (kayong mga anak) ang tinuturing ng batas na tagapag-mana sa lupa na naiwan ng inyong tatay at hindi kasama sa listahan ang kanyang apo.Kaya kayo ang mas may karapatan sa naiwang lupa ng inyong ama. Kayo ay may karapatan na tubusin ito at ang legal rate of interest lamang na masusunod ay 6% per annum.