Ano ang 13th Month Pay?
Sagot: Ito ay ang one twelfth (1/12) ng pangunahing sahod ng isang manggagawa sa isang taon.
Ano ang pangunahing sahod ng isang empleyado?
Sagot: Ito ay ang sweldo na binayaran ng employer para sa serbisyong hinatid ng manggagawa. Hindi kasama dito ang mga ibang binayad ng employer tulad ng mga sumusunod:
Cost-of-living allowance (COLA);
Profit-sharing payments;
Cash equivalent of unused vacation and sick leave credits;
Overtime pay;
Premium pay;
Night Shift Differential;
Holiday Pay;
All allowances and monetary benefits which are not considered, or integrated as part of the regular or basic salary of the employee.
Sino ang maaaring mabayaran ng 13th Month Pay?
Sagot: Lahat ng Rank-and-file na empleyado sa pribadong sector ay may karapatang mabayaran ng kanilang 13th month pay basta sila ay nakapaghatid ng kanilang serbisyo na hindi bababa sa isang buwan sa isang taon sa kanilang employer.
Kailan dapat mabayaran ang 13th Month Pay?
Sagot: Ang 13th Month Pay ay dapat mabayaran nang masmaaga sa petsang Disyembre 24 ng bawat taon. Ang employer, subalit, ay maaaring magbayad sa kanyang mga empleyado ng kalahati ng 13th Month Pay bago ang pagbukas ng regular school year at ang natitirang kalahati naman ay bago mag-Disyembre 24 ng bawat taon.
Magkano ang 13th Month Pay?
Sagot: Ang pinakamababang 13th Month Pay, ayon sa batas, ay hindi bababa sa one-twelfth (1/12) ng kabuuang pangunahing sahod na kinita ng isang manggagawa sa kanyang employer sa loob ng isang taon.
Paano ikompyut ang 13th Month Pay?
Sagot: Kabuuang sahod na kinita sa loob ng isang taon/12 na buwan = 13th Month Pay
Halimbawa:
Buwan Absence Sahod
January 1 day leave w/ pay P11,372.33
February Wala P11,372.33
March Wala P11,372.33
April 1 day leave w/ pay P11,372.33
May Wala P11,372.33
June Wala P11,372.33
July 1 day leave w/ pay P11,372.33
August 5 day leave w/o pay P 9,192.33
September Wala P11,372.33
October Wala P11,372.33
November on Maternity Leave[1] no salary
December on Maternity Leave no salary
Kabuuang pangunahing sahod P111,543.33
P111,543.33/12 na buwan = P9,295.28 (13th Month Pay)
[1] Ang dalawang buwang maternity leave ay hindi kasama sa kumpyutasyon ng 13th Month Pay dahil ang mga babaeng empleyado ay hindi kumita sa kanyang employer sa nasabing buwan.