[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

11/09/16 – Katanungan sa pagpapakasal sa Embahada ng Pilipinas sa Saudi

Kasama ko po ang boyfriend ko dito sa Saudi, 6 years na din kaming nagwo-work dito. Kung tutungo po kami sa embahada ng Pilipinas at magpapakasal, pwede po ba?

 

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

 

Maaaring i-solemnize ang inyong kasal ng consul-general, consul or vice-consul natin sa Embahada ng Pilipinas. Ang pag-iissue ng marriage license at mga responsibilidad ng civil registrar ay nakapataw sa consular official na mag-sosolemnize ng inyong kasal.

 

Sa kasal na magaganap sa mismong Embahada ng Pilipinas ay trina-trato ng ating batas na ito ay naganap sa Pilipinas dahil, batay sa international comity and law, ang mga Embahada natin sa ibang bansa ay extension ng ating teritoryo.