[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

11/07/16 – Katanungan ng OFW sa Qatar

  1. Isa po akong OFW dito sa Qatar. Halos 10 years na po ako dito. Gusto ko po sanang kunin ang legal opinion nyo po dahil nais kong kunin ang custody ng bata na 6 years old sa aking asawa kasi po siya ay laging umiinom at napapabayaan nya ang pag-aalaga sa bata. Maari ko po bang kunin ang custody ng bata?

 

Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)

 

Pinapangalagaan ng ating batas ang kabutihan ng bata. Kaya ang Korte, sa pagpapatupad ng batas at sa pagpataw ng desisyon nito, ang pinakasaalang alang nito ay ang makabubuti sa bata.

 

Ayon sa ating batas, kung ang bata ay 7 taong gulang, siya ay hindi maaring maihiwalay sa kanyang Ina. Ito ay batay sa natural na aspeto ng buhay ng bata dahil walang maaring maka-halintulad sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang Ina. Ito ang tinatawag na general rule na matatagpuan sa Article 213 ng Family Code. Ngunit ito ay hindi lubos na batas dahil ito ay may tinatawag na exception o kataliwasan.

 

Ang exception o kataliwasan nito upang makuha ang custody sa Ina ay pagwawalang bahala sa bata, pag-iwan, kawalan ng trabaho, imoralidad, palagiang pag-inom, nalulong sa bawal na gamut o droga, pagmamaltrato sa bata, may deperensiya sap ag-iisip o pagkakaroon ng malubhang karamdaman na maaring makahawa sa bata.

 

Ngayon, kung ang Ina ng bata ay matatagpuan na siya ay isa sa mga exceptions na tinatawag, maaring ang custody ng bata ay malipat sayo kahit pa ito ay 6 years old dahil ang pangunahing basehan ng Korte sa kanyang pagbibigay ng desisyong ay ang KAPAKANAN ng BATA.