Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

12/07/17 – Is dating relationship covered by the provisions of VAWC law?

Katanungan:

Ako po ay may boyfriend, madalas po nya akong sinasaktan kapag siya ay nakainom at minsan nagkakapasa po ako at nasusugatan. Di ko naman po ito malabanan kasi malaki po siyang tao. Ano po ang dapat kong gawin gusto ko na pong malayo sa kanyang pananakit.

Kasagutan:

Maaari kang magsampa ng Violoence against Women and their Children (VAWC) dahil isa sa mga sakop ng naturang batas ay mga dating relationship o mas kilala sa tawag na boyfriend-girlfriend relationship. Sakop nito ang mga pisikal nga pang aabuso sa mga kababaihan.