[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

11/29/17 – child abuse

Katanungan:

May pananagutan ba sa batas ang pabayang ina ng 4 na taon gulang na bata na nabangga pero buhay ang bata.makukulong din ba sya dahil sa kapabayaan

 

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

 

Kung ang pagiging pabaya ng isang ina ay intentional at wala man lang pakealam sa kanyang anak maaring mag-fall ito sa child abuse. Isa sa mga pinaparusahan sa anti child abuse law ay:

(4) Failure to immediately give medical treatment to an injured child resulting in serious impairment of his growth and development or in his permanent incapacity or death.

Sa probisyong ito, maaring makita ang kapabayaan ng ina kung hindi niya agad dinala sa hospital ang bata matapos itong mabangga. Ito ay misfeasance ng isang ina. Normal bilang isang magulang lalong lalo na sa ina na dalhin ang anak sa hospital kapag ito ay nabangga. Ngunit kung wala siyang ginawa matapos mabangga ang bata ito ay form of child abuse. Maaaring ireklamo ang bata sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).