Katanungan:
Magandang Umaga po Attorney,
May katanungan lang po ako , Isa akong supervisor sa isang hotel , Mayroon po akong hawak na tao na isang bellman parehas po kaming Regular employee, nais po bayaran ang kaniyang mahigit sampung taong serbisyo ng kumpanya dahil ang kanyang posisyon bilang bellman ay sinasabing redundant na daw po , after niya mabayaran siya ay irerehire ulit sa parehas na posisyon ngunit magiging under na po siya sa isang manpower cooperative at tatawaging deployed member. wala po bang malalabag sa kanyang karapatan bilang empleyado? Ano pong magandang gawin sa ganitong pagkakataon?
Salamat po.
Kasagutan:
Kung ito ay saklaw ng management prerogative at in good faith na ginawa, ito ay valid na authorized cause. Ang management prerogative ay ang kalayaan ng employer na i-manage ang kanyang kumpanya ayon sa kanyang kagustuhan provided na walang naisasakripisyong karapatan ng mg empleyado.
Ang redundancy ay kung saan ang position ng isang empleyado ay nadoble at maaring ideklara ng employer na redundant at maalis ang empleyado with separation benefits. Hanggang amg pag-alis at pagdeklara sa kanyang posisyon ay ginawa in good faith at walang ibang intensyon para mapasaktan ang relationship sa employee, it ay valid at walang karapatan na nabalewala.