[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

11/22/17 – hours of work

Katanungan:

Kapag po ba 16-20 mins lang po ang lunch break namin ay mababayaran po ba kami?

 

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

 

Ano nga ba ang mga hours worked na tinatawag?

a. All time during which an employee is required to be on duty or to be at the employer’s premises or to be at a prescribed work place; and

b. all time during which an employee is suffered or permitted to work.

 

Lahat ng mga oras na ikaw ay nasa tawag ng employer at kahit na ikaw ay naghihintay sa kanyang tawag ay considered hours worked. Ang meal break ay dapat 1 hour at hindi maaring bawasan ng employer otherwise ito ay compensable time. Ngayon, kung ang inyong lunch break ay less than 20 mins, ito ay considered as 1 hour compensable time. Ang 20mins meal break ay magiging 1 hour compensable time.