[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

10/24/17 – Rule on meal periods

Katanungan:

Kami po ay may meal period na isang oras bawat araw, kapag po ba ibinaba ng aming employer ang aming period sa 40 minutes, ano po ang epekto nito?

Kasagutan:

Nakasaad sa ating batas na mandatory na bigyan ng employer ng 1 hour meal period ang kanyang mga empleyado. Kung sakaling bumaba ng 40 minutes ang meal period, ang 20 minutes na naikaltas ay dapat compensable o bayaran ng employer. Kung sakaling bumaba naman sa less than 20 minutes ang meal period, ang buong isang oras na dapat na meal period ng empleyado ay compensable o dapat bayaran ng buo ng employer dahil nalabag ang isa sa nga fundamental rights ng employee na nakasaad sa Labor Code, as amended.