[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

10/19/17 – Walang karapatan ang mag-asawa na sila mismo ang magpa-walang bisa sa kanilang kasal

Katanungan:

Kumusta po ako po c eca meron lamang po akong gustong itanong sa inyo attorney kc po e meron po akong asawa nasa doha po sya nagttrbaho nnkipaghiwalay po sya sa akin dhil sa nlaman kong mga pinagggwa nya sa makatuwid po e nagkaroon po sya ng baba kung kanino kanino po sya nkiki pag chat sa fb minsan po ay malasawa pa at nlamab ko po iyon dhil nag message skin ang kung cnu cnu babae ang concern ko po ay may anak po kmi at hinde po sya regular na nagpapadala sa akin nkakakuha lamang po kmi ng per sa magulang sya tuwing magkakaskit ang anak ko pag na oospital ay sinasagutan nila pag magttxt po ako at ttwag.. pero yon pong kusang loob na bigay tlga ay hinde po dati po ay plagi syang nagpapadal pero nung malaman ko po ang gingwa nya y kung hinde pa po magkskit angank ko at mgtext ako sa nanay nya ay wla po tlga minsan po ay khit nagmamakaawa po akong huminhi ng ssupport ay minsan cnsbi nya na mari syng biabayaran sa ngayon po ay wala akong yrabaho kc nagaalaga labg po ako ng anak kc nung nkaraan po eh lgi syang hinihika minsan po gusto ko ng ywagan ang amo nya at kauspin nhihiya lamang po ako sa biyanan ko p
kc bka po sbhin ay nagpapadalanmn cla pag nagkakaskit ang bata 5years na po kmi kasal pero sa tagal nya na po don 5k to 6k lamang po ang ipinapadala nya sa loob ng isang buwan khit po nag increased ang sahod nya ay ganon lamang po tlaga hinde po ako makpag reklamo kc ay nkipaghiwalay na nga po sya sa akin at d rin po ako gusto ng magulang nya. Ang sbi jya po sa akin ay pag uwe nya daw po eh mag papa gawa daw po kmi ng kasulatan na wala na akong pkilam pa sa kanya or sa mga it na mabibili nya tulungan nyu po ako hide ko po alam kung anu ang hakbang na ggwin ko salamat po

Kasagutan:

Tanging Korte lamang ang makakapag-pawalang bisa sa isang kasal, ito ang nakasaad sa ating batas. Anumang kasulatan ng mag-asawa na nagsasabing sila ay wala ng pake alam sa isat-sa o di kaya ang kanilang kasal ay wala ng bisa, ito ay walang basehan at hindi nila maaring i kumpirmiso ang kasal dahil ito ay protektado ng ating batas.

Tungkol naman sa support, maari kang mag-file ng support sa korte para ibigay ng iyong asawa ang dapat na contribution nya sa rearing at caring ng inyong anak.