Katanungan:
Attorney i have a boyfriend pero kasal sya sa ibang babae pero kilala naman na ako ng asawa nya. Kumbaga kaya lang sila ikinasal kse tinulak sila ng magulang ng lalake tutal daw lagi magkasama. After nila ikasal narealized nila parang nabigla sila sa pangyayari. Attorney wala po sila naging anak at sa kasalukuyan 5 years npo silang walang communication at inaayos na nila ang kanilang legal separation. Pero may nakita kme na kapag umabot ng 7 years na walang communication mapapawalang bisa ang kasal? Totoo po ba un? Kase po umaasa po kaming lahat. Pati magulang ng lalake nagsisi kse hindi nagwork yung kasal nila ng boyfriend ko. At sa ngayon maayos nman po kme. Nagsasama po kme ng boyfriend ko at alam nman po ng asawa nya at wala na syang paki. Sana po masagot nyo po ang aking katanungan.
Kasagutan:
Wala sa ating batas na kapag tumagal ang mag-asawa ng hindi nagkita, nag-sama o di kaya’y nag-usap ay hindi mapapawalang bisa ang kanilang kasal. Tanging ang korte lamang ang makakapag-pawalang bisa sa kasal ng mag-asawa batay sa mga grounds na nasa ating Civil code. Ang steps na maaring gamitin para mapa-walang bisa ang kasal ay declaration of nullity of a voidable marriage at annulment of a void marriage.
Ang legal separation ay separation from board and lodging lamang kung saan ang mag-asawa ay hindi nag-sasama sa isang bahay ngunit sila pa rin ay mag-asawa batay sa ating batas. Alinmang sa kaninang dalawa ay hindi maaring mag-pakasal dahil maari silang maging liable dahil ay panngalawang kasal ay itinuturing na bigamous marriage.