[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

10/16/17 – ano ang pwedeng isampa sa mga taong tsismosa

Katanungan:

Hi Sir! Good afternoon on your behalf.
Ako po c Mhay. I’m currently working po sa ibang bansa. May iask po sana ako regarding sa pagssampa ng complaints or pagssampa ng kaso sa mga taong tsismosa. Sa ngayon po kase nsa ibang bansa po ako then my husband and son are still there sa Philippines. Then whiles I’m here, tampulan na ng tsismis ang mister ko. Hanngat ndi ko nkukuha ang mag-ama ko ndi ntatapos ang tsismis sa asawa ko. Nakakainis lang po kase na tahimik po ang pamilya nmen then there’s some idiots na nagkakalat ng tsismis sa asawa ko na may karelasyong iba. Mismong asawa ko po ang nagkwento neto sken. I know po n may mga taong inggit sa amen. Ask ko lang po kung anong dapat gawin at hakbang para sa mga taong katulad nila na salot sa lipunan at mga parang anay n gustong sumira sa isang masayang pamilya. Pasenxa n po kayo sa mga words ko. Kase naaawa na po ako sa asawa ko. Sana po inyo po akong matulungan. Pede po b akong magsampa ng complaints kung nsa ibang bansa ako? Paninirang puri po kase ang ginagawa nila. Gusto ko lang pong turuan sila ng leksyon sa ginagawa nila at para ndi na tularan ng iba. Marami pong salamat. Godbless po and more power .

Kasagutan:

Kabayan, maari kang magsampa ng civil case laban sa mga taong sinisiraan ang iyong asawa o pamilya. Ang basehan ng iyong civil case ay:

Art. 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief:

(2) Meddling with or disturbing the private life or family relations of another;

Nakasaad sa article na ito na ang pakekealam sa pribadong buhay ng ibang tao ay maaring masampahan ng civil na kaso dahil ang dignidad, personality, pribadong buhay at peace of mind ng isang tao ay dapat nirerespeto.

Kung sakaling may paglabag sa mga karapang ito, maaring magsampa ng civil case sa RTC dahil ito ay incapable of pecuniary estimation. Maaari ring isama ang injuctive relief. Ito ay kautusan ng korte na nagbabawal sa mga taong pagusapan, ipagkalat ang anumang tsismis na walang basehan, at kung sakaling labagin nila ito, ito ay contempt sa korte at maari silang maparusahan.