Katanungan:
Tatlo po kami ng mga kasamahan ko galing po kami sa leyte, nabiktima po kmi ng illegal recruitment at wala kaming pambayad sa abogado. Saan po ba kami maaring lumapit?
Kasagutan:
Kabayan maari kyong lumapit sa POEA sa free legal assistance na nagbibigay ng serbisyo para sa mga biktima ng illegal recruitment. Maaari kayong dumulog sa himpilan ng mga POEA offices sa inyong lugar upang humingi ng serbisyong legal.