Inquiry:
anu po ang dapat gawin kung ang dalawang magasawa at kasal ay mahigit ng 10taon hiwalay at may sarili na silang pamilya ang lalaki ay may isang anak at pamilya na ang babae naman ay may pamilya na din at dalawa na ang anak sa ibang lalaki anu po ba ang mga pwedeng gawin ng lalaki dahil gusto na niya maging null and void na anv kanilang kasal anu ang pde na grounds para tuluyan na maging null and void ang kasal
Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)
Kabayan, kahit gaano katagal nang magkalayo ang mag-asawa hindi mawawala ang bisa ng kanilang kasal hanggat hindi idinideklara ng Korte na wala ng bisa ang kanilang kasal.
Sa sitwasyon na iyong isinalaysay, parehong nagkaroon ng ibang pamilya ang mag-asawa at nagkaroon sila ng anak habang ang kasal nila sa isa’t-isa ay valid at subsisting. Sa mga desisyon ng ating Supreme Court, sila ay parehong hindi malinis ang kamay kaya wala silang makukuhang remedy o laban sa isa’t-isa. Nakasalalay sa isang tao na humihingi ng remedyo sa Korte na dapat “He who comes to Court must come with clean hands”.