[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

08/16/17 – Ano ang tungkulin ng isang abogado sa kanyang cliente

Inquiry:

Hello po attorney.. tanong ko lang po sana, Maari bang hawakan ng isang attorney ang magkaaway na kampo??
Sana po masagot niyo at matulungan niyo kami. Salamat po.

Kasagutan:

Kabayan, kung sakaling makarating ang kaso sa husgado, ang isang abogado ay maari lamang maghawak ng isang cliente/party upang maiwasan ang tinatawag na conflict of interest. Ito ay isang sitwasyon kung saan hindi tugma ang pinapakita ng isang abogado para sa kanyang cliente. Magkakaroon ng hindi maayos na paglilitis. Kaya dapat isa sa mga parties lamang ang maaaring i-representa ng isang abogado at hindi maaaring dalawa. Ito ay isa sa mg duty ng isang abogado para mapangalagaan ang karapatan ng kanyang cliente.