[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

09/21/17 – Kaalaman sa karapatan mo sa vacation leave

Inquiry:

maaari ba akong paattendin ng school kung ako ay nagtatrabaho ng meeting o seminar kung ako naman ay naka vacation leave? ano po ang aking karapatan?

Kasagutan: (Suhestiyon lamang:Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, wala sa ating Labor Code ang vacation leave na tinatawag. Ito ay discretion na binibigay ng employer sa kanyang mga empleyado. Ang mga leaves lamang na matatagpuan sa ating batas ay Service Incentive Leave (SIL), Paternity Leave, Maternity Leave at Solo parent leave.

Wala sa ating batas ang tinatawag na vacation leave. Ang pagbibigay ng vacation leave ay nakasaad sa policy ng employer gayundin ang napagkasunduan sa collective bargaining agreement (CBA). Mas mainam Kabayan na tignan mo ang policy na pinapairal ng kumpanya na iyong pinapasukan at makikita mo kung ikaw ba ay maaaring papuntahin sa isang seminar kahit ikaw ay naka vacation leave.