Katanungan:
What is a Collective Bargaining Agreement?
Kasagutan:
Ang Collective Bargaining Agreement (CBA) ay isang kasunduan o kontrata ng recognized bargaining agent ng mga empleyado at employer kung saan nakasaad dito ang mga importanteng bagay gaya ng terms and conditions of employment, instances of termination of employees, benefits, privileges, union security clause o ang probisyon kung saan may mandatory membership na ipinapataw ang union para mapanatili sa kumpanya at iba pa. Ang rationale kung bakit may CBA ay unang-una para sa proteksiyon ng mga empleyado para mas marinig at maprotektahan ang kanilang mga karapatan kung saan sila ay mas mahina kung sila ay isa isang makikipag-bargain sa employer.