[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

09/20/17 – Ano ang remedyo kapag nawala ang pinadala mong pera via western union

Inquiry:

Nawala po yung niremit kong pera – $3,000 dollars sa western union. Ano po kaya ang dapat kong gawin?

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, malaki ang pera na ito at kelangan ma-trace mo kung saan napunta at nakatanggap ng pera kung sakaling nagkamali ng pinagpadalhan.

Pumunta ka sa Western Union Branch na pinagpadalhan mo at tanungin mo kung sino ang recipient na nakatanggap ng pera, kung tama ba ang mga detalye na naisulat nila at tugma sa taong gusto mong makatanggap ng pera. Makikita naman nila ito sa sistema, dalhin mo ang iyong resibo para may katibayan ka na ikaw ang nagpadala at magkaroon ka ng legal standing para mag-reklamo.