Inquiry:
Atty. pwede po ba mawalan ng bisa ang kasal sa west, kung matagal na pong hindi nag sasama ang dating mag asawa . At may kanya kanya na po kaming buhay at partner. pero nag papadala po ako 4k monthly para sa men anak.
Kasagutan:
Ang kasal ay mapapawalang bisa lamang kapag namatay ang isa sa mga parties o di kaya idineklara ng Korte na ang kasal ay walang bisa sa pamamagitan ng annulment of a voidable marriage o declaration of nullity of a void marriage.
Kahit ilang taon pa kayong hindi nagkita at mayroon na kayong kanya-kanyang buhay, hindi ito sapat na dahilan na mawawalan na ng bisa ang inyong kasal. Sa mata ng ating batas, kayong dalawa ay legally married pa rin. Tanging kamatayan lamang o ang hatol ng Korte ang makakapag-pawalang bisa sa kasal.