Inquiry:
Magandang Gabi po Attorney,
Gusto ko lang po malaman kung paano po ang dapat gawin . kasi po may kinuha po kaming laptop sa sa isang kumpanya . ngayon po 6000 ang downpayment namin para sa laptop na nagkakahalaga ng 15,990 kung cash . tpos ang monthly po na ibabayad daw namin ay 1,740 kada buwan sa loob ng syam na buwan at ang interes daw ang kulang 4,000 lang pero kung ikokompyut po ay 6000 po halos . at nung nalaman namin kaya pala nagkaganoon ay dahil ang inencode nya lang sa data nila ay 5000 lang ang aming inihulog bilang downpayment paano po kaya ang dapat naming gawon ? Salamat po sa pagsagot
Kasagutan:
Ang remedyo para dito ay baguhin ang inyong kontrata para mailagay ang inyong tunay na intention.
Nakasaad sa ating civil code ang Reformation of Instruments:
Article 1359: When, there having been a meeting of the minds of the parties to a contract, their true intention is not expressed in the instrument purporting to embody the agreement, by reason of mistake, fraud, inequitable conduct or accident, one of the parties may ask for the reformation of the instrument to the end that such true intention may be expressed.
Maaaring ipa-reform ang kontrata dahil sa pagkakamali na nailagay sa down-payment na iyong binayaran at para maayos ang monthly na amortization.