Inquiry:
Goog day atty.
Hingi po ako ng legal advice 10 months po ako empleyado sa isang private co. From october 2016 to july 2017 wala po akong mga sss,tax and other benefits, wala rin po ako natangap na mga monthly bonuses na pinangako ng company, pero may pagkakautang po ako ng pinansyal sa company, last july 27 2017 bigla na lang po hindi nila ko pina pasok at wala man lang pinapirmahan sa akin na terminate na ko sa at pinapirma nila ko na may pagkakautang ko sa kanila, nangako ako na babayaran ko ang pagkakautang ko..pero august 8 2017 na published nila sa iloilo panay news paper ang notice to the public, ang problema po nag post sila sa social media with picture ko po at nakalagay sa post sa facebook na #fraud with my picture ang masakit pa sa dalawa ko anak naka na estudyante menor de edad naka tag ang facebook na naglalaman ng negatibo na mensahe..humihingi po ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin..
Kasagutan:
Kabayan maari kang dumulog sa himpilan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa inyong lugar upang magsampa ng kaukulang reklamo.
Nakasaad sa ating batas na ang isang empleyado ay maari lamang matanggal sa kanyang trabaho batay sa Just at Authorized Causes.
Ang authorized causes ay ang mga sumusunod:
1. Installation of labor-saving devices;
2. Redundancy;
3. Retrenchment to prevent losses;
4. The closing or cessation of operation of the establishment or undertaking.
5. Employee’s disease
Ang just causes for ay ang mga sumusunod:
1. Serious misconduct
2. Willful disobedience to lawful orders
3. Gross and habitual neglect of duties
4. Fraud or willful breach of trust/ Loss of confidence
5. Commission of a crime or offense
6. Analogous causes
Ang pagkaka-utang ay hindi isa sa mga maaring maging dahilan para matanggal ka sa iyong trabaho lalo na kung ito ay consensual at napag-usapan niyo ng kumpanya na ikaw ay hihiram sa kanila ng pera at ito ay maaring ibawas naman sa iyong salary buwan-buwan.
Sa pagpa-publish naman nila ng iyong larawan sa facebook at may nakasaad na #fraud ay libelous at maari mo silang sampahan ng kaso dito lalo at wala silang basehan o impormasyon sa kanilang sinasabi laban sayo.