Katanungan:
hello atty.
ako po ay isang ofw at may 2 anak po ako na nasa ama nila hindi po kami kasal. isang 10 yo na babae at 8yo na lalaki. ngpapadala din po ako. pero lately hindi ko na po nakokontak mga anak ko sa text at twag hindi na po nla sinasagut binigyan ko po ng cellphone dalawa kong anak para sana may communications po kmi pero pag tumatawag ako dna nla sinasagut.makukuha ko po ba sila pag akoy nkauwi sa pinas? may habol po ba ako na makasama ko pa sila? salamat po
Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)
Kabayan, hindi nawala ang parental authority mo sa iyong mga anak. Ang parental authority at responsibility ay hindi maaring talikuran o ilipat hanggat ito ay hindi inaalis ng korte sayo. Ilan sa mga sitwasyon na nag aalis ng parental authority sa mga anak ay kung mayroong adoption, guardianship o ang commitment ng bata sa mga establisyimentong nangangalaga sa mga bata.
Kaya kahit hindi mo makita ang mga anak ng ilang taon, hindi pa rin nawawala ang parental authority sa iyong mga anak dahil ikaw pa rin ang ina ng mga bata. Kung sakaling hindi nila ipakita ang iyong mga anak, maaari kang humingi ng tulong sa DSWD o sa korte para makita at makasama mo ang iyong mga anak.