[apsl-login-lite]
Welcome, Kabayan! Ang website na ito ay para sa inyo, mga dakilang OFW, mga makabagong hero ng Pilipinas, mahal namin kayo!

06/14/17 – Ikaw ba ay may parental authority sa anak mo kahit iba ang nangangalaga sa bata?

Inquiry:

meron po kasi akong dalawang anak yung isa legal na anak ko po at yung bunso sa ibang lalake niya pero sinamahan ko parin at pinalaki ang bata sa awa dahil lagi po kami nag aaway nag desisyon po ako na makipag hiwalay nalang sakanya makalipas po isang taon ay nangibang bansa siya iniwan ang dalawang anak sa asawa ng kapatid niya ngayon po dahil hiniram ko ang dalawang bata sa nag aalaga ay may napansin po ako dahil ang daming sugat at peklat ng mga bata sinasaktan sila ng nag aalaga sakanila ngayon po itatanong ko lang po sana kung tama ba na hindi ko na isauli sa nag aalaga ang mga bata ano po ba ang dapat ko gawin pwede ba nila ako kasuhan.

Kasagutan: (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado upang malinawan pa)

Kabayan, ang parental authority at responsibilty mo sa iyong mga anak ay hindi maaring talikuran o ilipat maliban sa adoption, guardianship, commitment ng bata sa mga etablisyementong nangangalaga sa mga bata.

Nakasaad sa ating batas na ang tatay at nanay ay mag eexercise ng joint parental authority sa kanilang mga anak. At kung may di pagkakaunawaan, ang desisyon ng ama ang masusunod.

Sa iyong isinaysay na sitwasyon kabayan, may parental authority ka pa rin sa iyong mga anak dahil wala pang nagaganap na adoption, guardianship at commitment sa bata sa mga establisyementong nangangalaga sa mga bata.

Kaya hindi naalis ang parental authority sayo kaibigan hanggat hindi ito tinatanggal ng korte sa iyo. Alam ng magulang amg makakabuti sa kanilang mga anak. Ikaw pa rin ang ama ng iyong anak kaya wala kang kakaharaping kaso kung sakaling hindi mo isoli ang bata sa nangangalaga sa kanya. Tungkol naman sa pangalawang bata, kung ito ay inyong inadopt na mag-asawa, ikaw ang tinuturing ng batas parental authority sa bata. Kung wala naman adoption na naganap, ikaw ang tinuturing na guardian ng bata at titignan mo pa rin kung ano ang makakabuti sa kanya.