Kasisilang ko lamang po ng aking anak dito sa Pilipinas ngunit umabas nap o siya sa aking sinapupunan pagkatapos ng anim na buwan at dalawampung araw. May karapatan civil po ba siya kung siya ay namatay rin po agad?
Kasagutan (Suhestiyon lamang: Kumunsulta sa abogado para malinawan pa)
Nakasaad sa ating batas na ang fetus ay sinasabing ipinanganak kung ito ay buhay nang siya ay lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina. Ngayon, kung ang fetus naman ay may intra-uterine life na bababa sa pitong (7) buwan, hindi siya maituturing na ipinanganak kung siya ay namatay sa loob ng (24) oras mula ng ito ay lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina.
Atin itong i-aapply sa iyong salaysay. Tignan mo ang records mula ng isilang moa ng iyong anak at kung siya ay buhay na lampas (24) oras dahil ito ay kritikal para sa ay magkaroon ng karapatan sibil na napapaloob sa ating Civil Code. Kung ang iyong anak ay nabuhay ng higit (24) oras mula nang siya ay lumabas sa iyong sinapupunan, siya ay considered born at magkakaroon siya ng karapatang sibil. Kung siya naman ay namatay sa loob ng (24) oras, sinasabi ng ating batas na siya ay hindi considered born at walang maitatagalang karapatang sibil sa kanya.